Blog by John Daniel Castillo

<< back to article list

Sinulat na tula

Gusto ko lang sumulat ng tula
isang tulang hindi ko din alam kung pa'no ako magsisimula
Basta alam ko para to sa madla
at sa mga taong ang kinabukasan ay wala

Lagi kong naririnig samu't saring katha
mga liriko, mga kanta, mga tonong iba't iba ang may akda
Lahat may sinasabi, lahat ngsasalita, lahat may gustong ipahiwatig
tungkol sa buhay ng maralita

Pero kahit aung lakas ng tugtog tila walang nakakarinig
Ni hindi pumitik sa damdamin, puso'y hindi pumipintig
Hindi man lang tumitimo ang mga bukambibig
Sa mga opisyales, may kaya, o sa mga binging hukom
Na hanggang ngayo'y walang imik, ang mga palad ay tikom

Nakabulatlat nang lahat ng nais mong makita
Ano pa bang katibayan ang hinahanap nila?
Sa bawat sulok at eskinita'y nagkalat ang maralita
May palad na nakalahad sa bawat kalye at kalsada

Hindi mo pa rin ba nakikitang nangangatal na sila
Sa gutom, sa uhaw, ayos na ang tira-tira
Mga taong sa lansangan naghahanap ng mahihita
kahit na mumong katiting pagtitiisan nila

HIndi ba nila alam kung gaano kahirap
Na mag-isip at maghanap ang mga taong salat
sa kayamanan, ng pagkain na pwedeng masabing masarap
at mapaghahatian ng isang dosenang anak

Pa'no nga ba'ng araw ng mga taong nasa ilalim ng tulay,
Ng mga nakikipagsapalara't hindi tiyak ang buhay
Mrahil ay nangangamba kung may bukas pa sila
Oh kung aabutin pa nila ang apoy ng umaga

Bawat pisong lumalabas sa palad ng dukha
Katumbas ay pawis at dugong humahalo sa luha
Kahit na anong tyaga, di tiyak kung may mapapala
Meron bang magagawa kung aasa sa bansa?

Salamat sa'yo kung umabot ka sa parteng 'to
Salamat sa mata at panahong inilaan mo
pero kahit na matapos ako sa kakasalita ko dito
Di ko pa rin tiyak kung may sasalba pa sa mga abang pilipino
Newsletter

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner